Si Pedro at Ang Mahiwagang Kuwintas

Writen By: Mr Writer
Genre:Fantasy Novel 
Language:Filipino
You Can Translate it



----------------------------
PANIMULA:
----------------------------
Sa isang tahimik na nayon ng bayan ng San Miguel, ay may isang batang nag ngangalang Pedro,
----------------------------
Si Pedro, ay matapang, maliksi, matalino, nguni't may katigasan ng ulo, kung minsan nag rerebelde pa ito, siguro ay dahil sa pamilyang kaniyang kinalakihan,
----------------------------
siya ay anak nila Mang Jose at Aling Maria,
Si Mang Jose ay isa lamang karpintero, minsan ay nag sa sideline din siya bilang tubero,
----------------------------
Si Aling Maria naman ay isang labandera…, Sa kabila ng mga katangiang ito ni Pedro siya ay may kabutihang tinatago sa kaniyang puso, napatunayan na niya ito sa isang sitwasyon.
----------------------------
Si Pedro ay may dalawang kapatid sila Tonyo at Juliana,
----------------------------
Si Tonyo ay 10 taong gulang, kasalukuyang nag-aaral sa mababang paaralan ng San Miguel, siya ay nasa grade 5 na,
----------------------------
Si Juliana naman ang kanilang bunsong kapatid, 6 na taong gulang nag-aaral din sa mababang paaralan nang San Miguel, siya ay grade 3 na.
----------------------------



Si Pedro naman ay kung nagpatuloy sa kaniyang pag-aaral, siya ay nasa second year hayskul na sana,
kaya naman sana siyang pag-aralin kahit paano ng kaniyang mga magulang,
pero dahil nga sa pag bubulakbol, maling impluwensiya ng barkada nito,
siya ay nagpasyang huminto na sa kaniyang pag-aaral,
----------------------------
ang tanging alam nang kaniyang mga magulang kung bakit siya huminto ay dahil sa impluwensiya lang ng barkada,
----------------------------
nguni't hindi nila alam na meron pang malalim na dahilan, may galit kasi siya sa kaniyang mga magulang,
sila ang sinisisi niya kung bakit sila nakakaranas nang pag-hihirap,
ito ang dahilan kung bakit siya nag rerebelde...,
subalit kahit ganito ang pag katao niya, sino ang mag aakala na magkakaroon siya nang pambihirang karanasan.
----------------------------
Isang araw habang si Pedro ay naglalakad malapit sa kanilang paaralan,
meron siyang napansing kakaiba sa may hindi kalayuan,
may nakita siyang kumikislap na bagay na parang kuwintas na nakasabit sa punong mangga,
pero dahil siya ay nagmamadali, hindi na niya pinansin ito.
----------------------------
Kinabukasan habang siya ay naglalakad nagulat ulit siya nang makita ang kuwintas na ito,
siya ngayon ay biglang nag taka,
"Paano napunta ito dito, eh nakita ko to kahapon sa ibang lugar ah?", nasabi niya sa sarili, nang biglang may kung anong pwersa na nagsabi sa kaniyang lapitan ito at kuhanin ito,
----------------------------
hindi niya mapigilan ang sarili at nilapitan niya ito,
masyadong malakas ang pwersang kumokontrol sa kaniya,
malapit na sana niyang mahawakan ang kuwintas nang may biglang kumalabit sa kaniyang likuran,
dahil dito para siyang nagising sa pagkakatulog.
----------------------------
Isang matandang puting puti na parang engkantado ang kumalabit sa kaniyang likuran at nagsalita,
"Mapanganib ang kuwintas na iyan, magsisisi ka pag kinuha mo iyan",
biglang nagulat si Pedro sa kaniyang narinig,
gusto sana niyang tanungin ang matanda kung bakit mapanganib ito, nguni't pag talikod niya at bago pa siya makapag salita ito ay nawala,
----------------------------
naguluhan si Pedro pero dahil sa kaniyang kapusukan kahit na kontrolado na niya ang kaniyang sarili kinuha pa rin niya ito.
----------------------------
Nang siya ay nakahiga at malapit na sanang mag pahinga may narinig siyang boses nang isang babae,
hinanap niya kung saan nanggagaling ang boses,
laking gulat niya nang matuklasan niyang galing ang boses sa kuwintas,
siya ngayon ay biglang nagulat at parang natakot,
tatakbo na sana siya nguni't pinigil siya ng boses na ito,
----------------------------
sinabi sa kaniyang,
"Pedro ikaw ang napili ko upang tulungan sa iyong problema, ano mang kahilingan mo ay ibibigay ko",
biglang nag-isip si Pedro at nagtanong,
"Bakit ako ang napili mo sa dinami dami nang tao sa mundo at sa nayon pang ito ka pumili?",
"Dahil ikaw lamang ang pumansin sa akin, madami nang tao ang nakakakita sa kuwintas,
nguni't ikaw lamang ang naglakas loob na lapitan at kuhanin ako sa kabila ng babala ng matanda,
ikaw ang nakatakdang mag may ari sa kapangyarihan ng kuwintas",
----------------------------
Habang nag-iisip si Pedro sinabi ng babae,
----------------------------
"Tandaan mo tatlong kahilingan lamang ang aking pagbibigyan kahit ano pa ito",
at dahil sa makasariling hangarin, si Pedro ay nag pasya,
----------------------------
"Sige susubukan ko kung totoo nga ang kapangyarihan mo, ito ang aking unang kahilingan".
----------------------------



--------------------------
KABANATA: 1
"Ang Unang Kahilingan ni Pedro"
--------------------------
Siya ay nag-isip nang mabuti makalipas ang ilang minuto, tinanong siya nang boses sa kuwintas,
"Ano ang iyong unang kahilingan?",
Si Pedro ay nag salita,
"Ang aking unang kahilingan, dahil sa dami ng hirap na aking naranasan, ayoko nang maghirap pa, kaya ang aking unang kahilingan, gusto kong matapos na ang kahirapang ito, sana ay yumaman na ako",
"Sige matutupad ang iyong kahilingan".
--------------------------
Natupad nga ang kahilingan ni Pedro siya ay yumaman, nakapag pagawa siya ng isang napakalaking mansiyon,
nakabili din siya ng napakaraming mamahaling sasakyan,
natupad na ang una niyang kahilingan sa boses sa kuwintas.
--------------------------
Isang araw nag punta ang mga magulang niya sa kaniya,
dahil simula ng araw nang kaniyang paghiling siya ay umalis ng bahay nila,
hindi na muling umuwi pa, nagulat na lang sila nang mabalitaan ang biglang pagyaman nito,
pagka kita sa kaniya tinanong agad siya nang kaniyang ama,
--------------------------
"Paano ka nakabili nang lahat ng iyan?, Saan ka kumuha ng ganoong karaming pera?",
nag tanong din ang kaniyang ina,
"Anak magtapat ka nga sa akin, meron ka bang pinasok na ilegal na trabaho? o baka naman sa masama galing ang lahat ng ito?",
--------------------------
hindi pa rin sumasagot si Pedro sa kanilang mga tanong kaya sila ay nag salita.
"Mas gugustuhin ko na anak na maging mahirap kaisa naman sa yumaman sa hindi tamang paraan",
at biglang nag salita si Pedro,
-------------------------
-
"Aking ina at ama, hindi sa ilegal at masamang paraan galing ang mga ito, nanggaling ang lahat nang iyan dahil sa magaling lang ako",
at siya ay tumawa ng malakas,
"hahaha!!!",
magtatanong pa sana ang kaniyang mga magulang pero bigla na niyang sinabi,
-------------------------
"Hindi niyo na kailangang malaman pa ang dahilan dahil wala naman akong planong ipaalam sa inyo at hindi na rin mahalaga sa akin kung anong iisipin niyo",
-------------------------
at umalis ang kaniyang mga magulang na malungkot at nagdadalamhati dahil sa
kanilang anak.
-------------------------
-------------------------
KABANATA: 2
"Ang Pagdadalamhati ng Magulang sa Anak"
-------------------------
Sa kanilang pag-uwi hindi nila maiwasang hindi isipin ang kanilang anak, bahagya rin silang napapaiyak,
hindi kasi nila mawari kung anong nangyayari sa kanilang anak,
tinatanong nila ang kanilang sarili,
"Saan ba tayo nag kulang kay Pedro, bakit siya nagkaganyan?".
-------------------------
Bigla na lang na alala ang araw na sinilang ang kanilang panganay na anak na si Pedro,
-------------------------
Noong araw na iyon habang nagtatrabaho si Mang Jose bilang isang karpintero,
bigla na lamang may tumatawag sa kaniya,
galing ang boses sa kanilang kapitbahay na si Marta,
ito'y tumatakbo at pawis na pawis at nang ito'y malapit na sa kaniya, tinanong niya ito,
"Anong problema bakit nagmamadali ka?", sumagot ito,
"Ang iyong asawang si Maria manganganak na yata, bigla kasing sumigaw kanina habang naglalaba, sumasakit daw ang kaniyang tiyan at parang lalabas na raw ang bata",
-------------------------
dahil sa narinig agad kumilos si Jose,
Madaling madali si Mang Jose pagbaba sa kaniyang kinalalagyan,
paano ba naman nasa ikatlong palapag siya nang bahay na kanilang ginagawa,
sa sobrang pagmamadali niya eh muntik na nga siyang mahulog,
nang makababa na siya,
nasabi ni Marta,
"Aba, Jose mag-iingat ka naman baka maagang mabiyuda ang iyong asawa at walang kalakihang ama ang bata", sumagot si Mang Jose,
"Pasensiya ka na excited lang ako",
"Oh sige na tama na at bilisan na natin", tugon ni Marta…, at sila'y nagmadaling makauwi.
-------------------------
Nang madatnan nila si Aling Maria, ito'y pawis na pawis na, galit na sinabi niya kay Jose,
"Aba'y bakit ngayon ka lang, baka mapaano na ang anak mo", sumagot si Mang Jose,
"Pasensiya ka na galing sa trabaho", biglang nag salita si Marta,
"Tama na nga iyan at baka dito pa mapaanak si Maria"…,
at sila'y nag pasiya ng pumunta sa hospital.
-------------------------
Pagdating na pagdating nila sa hospital naghanap sila ng Doktor, dahil natatakot na baka may mangyari kay Maria at sa magiging anak,
inasikaso naman agad sila ng mga Nars at Doktor,
habang nanganganak si Aling Maria,
Si Mang Jose naman ay hindi mapakali, buti at nandoon si Marta at siya ay pinakalma nito,
"Relax ka lang Jose makakaraos din si Maria", sumagot naman si Jose,
"Kinakabahan kasi ako baka may mangyari sa anak ko, eh unang anak ko pa naman iyon"...,
-------------------------
Nang biglang tinawag na sila ng Nars,
"Lalake po ang inyong anak", tuwang tuwa si Jose,
"Yehey!!, lalake ang panganay ko, tatay na ako"…,
at sila'y masayang masaya.
-------------------------
Sa kanilang pag ala-ala sa masasayang araw na kasama si Pedro, lalo na ang pagsilang nito,
hindi nila mapigilang hindi mapaluha, silay nagtatanong,
"Bakit ka nag kaganyan anak?, saan kami nagkulang",
at sila'y lalong napaiyak...,
-------------------------
habang sila'y umiiyak nakita sila nang magkapatid na Tonyo at Juliana.
-------------------------
KABANATA: 3 "Ang Pagbisita sa Kapatid"
-------------------------
Kasalukuyang umiiyak ang kanilang mga magulang ng nag pasya ang dalawang magkapatid na sina Juliana at Tonyo na bisitahin ang kanilang kapatid at kausapin ito upang malaman kung ano ang tunay na dahilan,
kung bakit umiiyak ang kanilang mga magulang,
sila'y nagtanong tanong kung saan nakatira ang kapatid,
at natagpuan naman nila ito.
-------------------------
Masayang bumisita ang magkapatid na Juliana at Tonyo sa kanilang kuya na si Pedro,
laking gulat nila ng Makita kung saan nakatira ito,
napakalaki nang kaniyang tirahan at napakarami ring sasakyan sa may garahe nito,.
-------------------------
Nang Makita nila ang kanilang kapatid kinamusta nila ito at tinanong,
"Kuya paano ka nagkaroon ng mga ito?, at bakit sa kabila ng mga ito ay umiiyak pa rin sila nanay at tatay?",
sumagot naman si Pedro,
-------------------------
"Ano man ang dahilan ay hindi na mahalagang malaman niyo pa, ang importante ngayon hindi na tayo maghihirap pa, at kaya sila umiiyak dahil hindi nila matanggap na yumaman ako ng ganito, sa kabila ng pangit kong pag-uugali",
-------------------------
Hindi na muling nagtanong ang magkapatid, inalok sila nang kanilang kuya na doon na tumira kasama niya,
pumayag naman sila,
dahil dito sila'y naging sobrang saya,
hindi na rin sila muling maghihirap pa…,
bago sila umuwi sinabi nila sa isa't-isa,
-------------------------
"Kakausapin natin sila nanay at tatay na wag nang malungkot dahil mayaman na tayo",
at sila'y masayang umuwi.
-------------------------
-------------------------
KABANATA: 4 "Ang Ikalawang kahilingan"
-------------------------
Kinaumagahan, sa pagkain nang almusal ni Pedro, bigla na lamang siyang may narinig na salita, malakas ang tono ng boses na ito na halos marinig sa kabuoan nang bahay,
ito ay galing sa kuwarto niya, sa iniingatang kuwintas, kinamusta siya nito at tinanong,
-------------------------
"Matagal tagal na rin nang una kong ibigay ang iyong kahilingan, maaari ko bang malaman ngayon ang iyong ikalawang kahilingan?, Kung sakaling may naiisip ka na?",
at sumagot si Pedro.
-------------------------
Dahil na alala niya ang mga taong naging kaaway niya dati, ito ang kaniyang naging ikalawang kahilingan,
-------------------------
"Ang aking ikalawang kahilingan, gusto kong lahat nang taong nang api sa akin ay mawala sa aking landas,"
nag salita ang boses sa kuwintas,
"Iyon lamang ba ang iyong ikalawang kahilingan?, napakadali naman yata niyan",
sumagot si Pedro,
"Iyan na nga wala nang iba", sumagot ang boses,
"Matutupad ang iyong kahilingan",.
-------------------------
At lahat nga nang naging kaaway at nang api sa kaniya ay bigla na lang nag laho,
dahil diyan lumikha ito ng malaking kaguluhan sa kanilang nayon,
maraming magulang ang nagtaka kung nasaan ang kanilang mga anak,
meron ding hindi makapaniwala na bigla na lamang nawala ang kanilang kapitbahay ng wala man lamang may alam kung saan sila nag punta,
ang lahat ay takang taka, gulong gulo, nasabi pa nga nila,
"Tayo ba ay na eengkanto?",
-------------------------
Ang mag asawang Jose at Maria naman ay nag aalala sa kanilang mga anak na hindi pa umuuwi.
-------------------------
-----------------------
KABANATA: 5
"Ang Muling Pagkikita ng Magulang at ng Anak"
------------------------
Sa pagkakagulo sa kanilang nayon, hindi maiwasang mag alala ng mag asawang Jose at Maria,
dahil hindi pa umuuwi ang kanilang dalawang anak na si Juliana at Tonyo…,
Nang maka uwi na ang dalawa, sila ay masayang masaya dahil sa nais ibalita sa kanilang mga magulang,
nguni't ang kanilang mga magulang naman ay alalang alala,
------------------------
"Saan ba kayo nag punta?, hindi tuloy kami mapakali, lalo na at maraming kaguluhan ngayon sa nayon natin, maraming bata ang nawawala, at hindi alam kung saan nag punta, saan ba kayo nang galing?",
tanong ng kanilang mga magulang,
sumagot naman sila ng may ngiti sa mga labi,
------------------------
"Galing po kami kay kuya Pedro, inay mayaman na po siya",
pagkukuwento ni Juliana,
------------------------
"Hindi na po tayo maghihirap pa, pinapasabi po pala niya na doon na tayo tumira".
------------------------
Nabigla ang mga magulang sa sinabi ng mga anak,
------------------------
"Paano mangyayari iyon, eh halos palayasin kami at pag tabuyan nang inyong kapatid?",
------------------------
"Nakausap na po naming siya, ok na po ang lahat",
tatanggi pa sana sila pero nagpasya na ang magkapatid at dahil sa gusto rin nilang magkasama sama na sila at muling makapiling ang kanilang panganay na anak, sila ay pumayag na,
------------------------
Kinabukasan sila ay nagpunta kay Pedro,
masayang sinalubong ni Pedro ang kaniyang mga kapatid,
------------------------
"Payag na kayong dito tumira?",
"Opo! Kuya", sagot ni Juliana,
------------------------
"Sinama namin sila nanay at tatay para kumpleto na tayo",
tugon naman ni Tonyo,
------------------------
"Ok lang walang problema", pag sang ayon ni Pedro,
------------------------
pero ang hindi nila alam sila lang ang niyaya ng kuya nila at hindi ang kanilang mga magulang, dahil may galit pa rin siya rito, para kasi sa kaniya ang mga magulang niya ang may kasalanan nang lahat ng nangyayari sa kanila,
------------------------
"Sila ang dahilan kung bakit namin nararanasan ang mga ito",
paniniwala niya…,
------------------------
masaya na sanang lahat nguni't nabago ang lahat dahil isang araw sa hindi inaasahang pangyayari natuklasan ang lihim niya ng kaniyang ina.
------------------------
-------------------------
KABANATA: 6 "Ang Pagkakatuklas sa lihim ni Pedro"
-------------------------
Masayang masaya sila Tonyo at Juliana dahil sa sama-sama na sila,
hindi na rin sila maghihirap pa, at madami rin kasing mga laruan at mga damit na pinamili si Pedro sa kanila,
at dahil na na rin sa pagmamahal sa mga kapatid ay pinamili din niya ang mga magulang niya,
-------------------------
ayos na sana ang lahat kahit paano ay masaya na sila at kahit na malamig ang pakikitungo ni Pedro sa kaniyang mga magulang, panakikitunguhan pa rin niya ito ng tama at may respeto pa rin alang-alang sa mga kapatid
-------------------------
nguni't dahil sa isang pangyayari nabago ang lahat.
-------------------------
Isang araw kasi habang nag-iisa si Aling Maria,
dahil umalis at namili sila Pedro at ang kaniyang mga kapatid,
at si Mang Jose naman ay may binisitang kaibigan,
-------------------------
may napansin siyang kakaiba sa kuwarto ni Pedro, parang may nagsasalita oa kung ano man,
napag pasiyahan niyang pumasok doon,
laking gulat niya ng Makita ang isang kuwintas na napakaganda, kumikinang ito,
at parang hindi basta gawa lang sa ginto,
nguni't ang lalo niyang kinagulat ay nang marinig niyang may nag salita na nagmula dito.
-------------------------
Siya ay tumakbo palabas at sigaw ng sigaw,
kasalukuyan naman parating sila Pedro at ang kaniyang mga kapatid,
nang makita ni Aling Maria si Pedro, sinumbong niya dito ang nakita,
at biglang napasigaw sa galit si Pedro,
-------------------------
"Sinong may sabi sainyo na pakialaman ang mga gamit ko!, hindi ba kabilin bilinan kong huwag papasok ang sino man sa kuwarto ko!!",
sumagot si Aling Maria,
"Huwag mong sabihing iyon ang sikreto mo, naku Pedro masama ang kutob ko diyan, huwag mong gagamitin iyan",
at nag salita si Pedro,
"Ano man ang gawin ko wala na kayong pakialam dahil bahay ko ito",
-------------------------
nagalit si Aling Maria sa narinig,
"Anak lang kita wag mo kong pagsalitaan ng ganiyan,
para sa iyo din ang sinasabi ko, may sa demonyo yata ang kuwintas na iyan",
-------------------------
nasa ganito silang sitwasyon ng dumating si Mang Jose,
-------------------------
"Anong kaguluhan ito Pedro?", sumagot naman ito,
"Wala na kayong pakialam dito",
dahil sa narinig nasuntok ni Mang Jose si Pedro at sinabi,
-------------------------
"Sumosobra ka na Pedro wala ka nang respeto sa aming mga magulang mo"…,
dahil sa galit at kanilang pagtatalo nasabi ni Pedro ang huling kahilingan.
-------------------------

------------------------
KABANATA: 7 "Ang Ikatlo, Ang Huling Kahilingan"
------------------------
Dahil sa galit ni Pedro, nasabi niya na,
"Sana mawala na lang kayo, hindi ko kayo kailangan",
at biglang nag salita ang boses sa kuwintas,
"Matutupad ang iyong kahilingan",
at biglang nawala ang mga magulang ni Pedro at kasabay nang pag kawala nito ay bigla naman lumiwanag ang Kuwintas,
at biglang nabasag ang parang brilyante nito sa gitna na kulay pula,
------------------------
bigla namang lumitaw ang isang babae na naka itim, mahaba ang buhok, maganda ang mukha, pero ang dating niya ay tulad ng isang mangkukulam o kung ano mang masama.
------------------------
Nag salita ito at ang sabi,
------------------------
"Maraming salamat Pedro ngayon malaya na akong gawin ang lahat ng gusto ko, siguro naman ay masaya ka na dahil natupad ko na lahat ng iyong kahilingan, salamat sa iyong pagtitiwala, nguni't may nakalimutan akong sabihin na lahat ng kahilingan ay may kapalit".
------------------------
Nabigla si Pedro sa kaniyang narinig,
------------------------
"Wala kang sinabi sa akin na may kapalit ang lahat ng kahilingan ko sa iyo?", sumagot ang babae,
"Siyempre hindi ko puwedeng sabihin iyon dahil malamang na hindi ka na humiling",
nag salita ulit si Pedro,
"Kung ganoon ano ang kapalit ng lahat ng ito?",
nag-isip ang babae at nag salita,
"Yaman din naman na may galit ka sa pamilya mo, lahat ng mahalaga at malapit sa iyo ay aking kukunin lalo na ang iyong mga kapatid mo",
------------------------
nabigla si Pedro sa narinig,
------------------------
"Huwag ang aking mga kapatid maawa ka sa kanila, mahal na mahal ko sila",
------------------------
nguni't hindi na siya pinakinggan ng babae at ito ay bigla na lang nawala, kasabay ng pag kawala ay ang pagkalaho ng mga kapatid niya at nang kuwintas,
------------------------
Napasigaw sa galit si Pedro dahil wala na siyang nagawa,
hindi na niya napigilan ang babae,
------------------------
at bigla siyang napaluhod habang lumuluha..
------------------------

KABANATA: 8
"Ang Pagdadalamhati ni Pedro"
-------------------------
Dahil sa nangyari biglang natulala si Pedro kasabay pa rin ng pagtulo ng kaniyang luha,
hindi niya lubos maisip kung ano ang kaniyang nagawa,
dahil sa kasakiman niya nangyari ang lahat ng hindi dapat mangyari…,
-------------------------
Bigla niyang na alala ang masasayang sandali na kasama ang kaniyang pamilya.
-------------------------
"Pedro, anak kakain na, tama na ang paglalaro",
"Mamaya na po ina, nagsasaya pa po kami ng aking mga kaibigan",
"Sige ka!, pag hindi ka kumain agad hindi na kita papayagang maglaro!",
"Si nanay talaga",
nasabi ni Pedro sa sarili,
"Sige po kakain na ako, ano po bang ulam?",
"Tinolang manok anak iyong paborito mo", sagot naman ni Mang Jose,
"Wow! ang sarap naman pala, favorite ko, hehe!", masaya silang kumain at nagkukulitan…,
-------------------------
ilan lamang ito sa masasayang sandali na kasama niya ang kaniyang mga magulang,
-------------------------
habang siya ay lumuluha, bigla rin niyang na alala ang kaniyang pinakamamahal na mga kapatid.
-------------------------
"Kuya, kuya Pedro, halika na mahuhuli na tayo sa klase natin", sabi ni Juliana,
"Sige na mauna na kayo inaantok pa ako",
"Pero kuya", sagot naman ni Tonyo,
"Oh siya andiyan na ako, sige na mag ayos na kayo at papasok na tayo",
"yeheey", nasabi ng magkapatid na Tonyo at Juliana…,
-------------------------
dahil sa mga ala-alang ito lalo na nagdalamhati si Pedro,
siya ay lumuha ng lumuha at sinisisi ang sarili,
-------------------------
nang biglang maalala niya ang babala ng matanda.
-------------------------
---------------------------
---------------------------
KABANATA: 9
"Ang Lihim ng Kuwintas"
---------------------------
Nagpunta si Pedro sa lugar kung saan siya binigyan ng babala ng matanda, sa isang puno ng mangga na malapit sa eskuwelahan nila dati, taimtim siyang nanalangin habang naka upo sa ilalim ng puno, umaasa siyang dumating ang matanda at humingi ng tulong dito, nguni't mag gagabi na wala pa rin ang matandang ito, mawawalan na sana siya nang pag-asa ng biglang may kumalabit sa kaniya.
---------------------------
Malapit ng mag alasais ng hapon noon ng kinalabit siya ng isang matanda,
"Iho! bakit ka naparito?, kailangan mo ba ng tulong ko?", tanong ng matanda,
"Paano niyo po nalaman ang pakay ko?", pagtatanong naman ni Pedro,
"Alam kong darating ang araw na ito at hihingi ka ng tulong sa akin, nakalaya na siya, tama?, naibigay na niya ang huling kahilingan mo?",
"Opo at kinuha niyang kapalit ang aking mga kapatid", sagot ni Pedro,
"Inaasahan ko na iyan, halika at may ikukuwento ko sa iyo",
"Ano po iyon?", tanong ni Pedro,
"Ang mundong dati naming tirahan, ang tahimik na kaharian ng FAIRENIA.
---------------------------
---------------------------
KABANATA: 10 "Ang Fairenia"
---------------------------
"Tahimik dati ang aming mundo, ang aming kaharian, pero dahil sa isang pangyayari nabago ang lahat, dito ko sisimulan ang aking kuwento"…,
---------------------------
"Ito ang mundo ng mga engkanto, engkantado at engkantada ang Fairenia, maganda ang kapaligiran ng Fairenia, maraming mga bulaklak na nagkalat sa kapaligiran, iba-iba ang mga kulay nito at napakabango, sobrang linis ng buong kapaligiran, magaganda ang mga tanawin, malinaw lahat ng katubigan, may mga nag tataasang puno, na sa sobrang taas halos umabot na sa ulap, maraming iba't-ibang nilalang ang naninirahan dito, merong mga engkanto, engkantado, engkantada, duwende at marami pang iba, masasabi mo ring perpekto ang mundong ito,
---------------------------
Noon malayang nakakapamasyal ang mga mamamayan nito kahit saan nila naising pumunta, ang kaharian ay pinamamahalaan ng isang engkantadong nag ngangalang Haberno, siya ay isang mabait na pinuno, nguni't nabago ang lahat ng dumating si Minerva, si Minerva ay isang magandang babae, mabait siya sa lahat ng mamamayan ng Fairenia, dahil sa kaniyang magandang katangian at kagandahan nagustuhan siya ni Haring Haberno, naging magkasintahan sila, sobrang saya ng Mahal na Hari, sa tuwing makikita siya ng kaniyang mga nasasakupan palagi siyang nakangiti, hindi rin maikukubli na sobrang mahal niya ito, lahat kasi ng hilingin ni Minerva ay binibigay ng Mahal na Hari, hindi nga nagtagal at pinlano na ang kanilang kasal,
---------------------------
Maraming tumutol dito lalo na ang mga SETRO,
Sila ang mga matatalino, makapangyarihan at matatanda sa kaharian na talagang iginagalang, ayaw nilang pumayag na makasal ang Hari kay Minerva dahil may masama raw silang nababanaag at nararamdaman sa kilos nito, parang hindi totoo ang pinapakita niyang ugali at higit sa lahat hindi malinaw kung saan galing ang babaeng si Minerva".
---------------------------
"Tumutol man ang mga Setro, wala pa rin silang nagawa para pigilan ang kasal, natuloy ang kasalang Haring Haberno at Minerva na ngayon ay Reyna na nang Fairenia, noong una maayos naman ang pakikitungo ni Reyna Minerva sa kaniyang mga nasasakupan, akala nga ng lahat na nagkamali ang mga Setro sa unang pagkakataon, nguni't lahat sila'y nagulat at sadyang napahiya sa kanilang mga sinabi tungkol sa mga Setro, nagkatotoo kasi ang hinala ng mga Setro, nangyari ang lahat ng ito ng kailangang umalis ng Hari para sa importanteng pakay, nagkukulang na kasi sila ng pagkain, sa hindi malamang dahilan nagkamatay ang ilan sa mga panagkukunan nito, bago siya umalis binilin niya kay Minerva ang Kaharian ng Fairenia.
---------------------------

---------------------------
KABANATA: 11 "Ang Fairenia sa Pamumuno ni Minerva"
---------------------------
"Simula ng lumisan ang Hari, marami nang nabago kay Reyna Minerva, lumabas na ang tunay niyang pakay ang sakupin at angkinin ang Kaharian ng Fairenia, dito simulang nagkatotoo ang suspetiya ng mga Setrro".
---------------------------
"Lahat ng mamamayan ng Fairenia ay pinahirapan ni Reyna Minerva, marami sa kanila ang inalipin, walang magawa ang mga Setro ukol dito, dahil si Reyna Minerva ay makapangyarihan na kahit na ang mga Setro ay hindi makaya ang taglay na kapangyarihan nito, lahat sila ay nagtataka",
"Sino ba si Minerva?, ano ang tunay niyang pagkatao?, paano siya nagkaroon ng ganitong klaseng kapangyarihan?"...,
Ang lahat ng katanungang ito ay gumugulo sa isipan ng mga Setro, kahit ang lahat halos ng kaalaman ay taglay nila dahil sa kanilang katalinuhan ay hindi nila kayang sagutin ito.
---------------------------
"Samantala, uniti-unting gumulo ang mundo ng mga engkanto, engkantado, engkantada at ang iba't-ibang mga nilalang na naninirahan dito, wala na ang mga magagandang paligid, ang mga bulaklak na dati ay nagkalat sa buong kaharian ng Fairenia, lahat ay nalanta na, ang mga malilinis na katubigan na dati ay malayang napaglalaruan ng mga maliliit na nilalang ay nasira na, naging sobrang dumi na rin ng mga ito, pati ang mga pinaninirahan ng mga iba't-ibang nilalang ay nawasak na, masyado ng malayo ang itsura nito sa ngayon kaysa sa dati, hindi mo na makikita ang magagandang tanawin na dati ay kay sarap pagmasdan, ang dating tahimik na mundo at maihahalintulad sa perpektong mundo ay wala na, isa na lamang ala-ala ang mga ito…, unti-unting nangyari ang kinakatakutan ng mga Setro, natapos na ang mga maliligayang sandali sa kaharian nila, ang mga pangarap ng bawat mamamayan ng kaharian ay naglaho at gumuho, ang mga adhikain at mithiin ng mga mamamayan ng Fairenia ay nawala na…,
---------------------------
"Lingid sa kaalaman ni Reyna Minerva na habang siya ay kasalukuyang nagsasaya, si Haring Haberno na sa hindi inaasahang pangyayari ay may matutuklasan, ang kaniyang lihim."
---------------------------
---------------------------
KABANATA: 12 "Ang Lihim ni Minerva"
---------------------------
Sa paglalakbay ni Haring Haberno, bigla na lang niyang naisip ang laharian ng Fairenia,
"Sana ay nasa mabuting kalagayan ang aking Reyna at ang mamamayan ng Fairenia, wala sanang maging problema", nasabi ni Haring Haberno sa sarili,
Habang siya ay naglalakbay hindi niya namalayan na malapit na pala siya sa kaniyang pupuntahan, ang Kaharian ng MAHILANDIA,
---------------------------
"Kamusta ka na aking kaibigang Haberno?", pangangamusta ni Haring Salermo ng Mahilandia,
"Mabuti naman ako aking kaibigan", sagot naman ni Haring Haberno,
"Nabalitaan kong nag-asawa ka na aking kaibigan, pasensiya ka na kung hindi ako nakadalo, marami lang akong ginagawang napakahalaga sa aking kaharian ng mga panahong iyon, pwede ko bang malaman kung sino ang iyong napangasawa?", tanong ni Haring Salermo,
"Mamaya ko na ikukuwento kaibigan, unahin muna natin ang aking mahalagang pakay sa iyo", sagot ni Haring Haberno,
"Sige kaibigan, ano ba ang iyong pakay?",
"Nais ko sanang humingi ng tulong sa iyo",
"Walang problema kahit ano pa iyan, tungkol saan ba ito aking kaibigan?", pagtatanong ni Haring Salermo,
"Unti-unti na kasing nauubos ang aming pagkain, bigla kasing nagkamatay ang iba sa mga pinagkukunan namin nito, hindi namin malaman kung bakit", pagsasalaysay ni Haring Haberno,
"Sige tutugunan ko ang iyong suliranin kaibigan",
"Salamat aking kaibigan maaasahan ka talaga".
---------------------------
Sila'y masayang nag sasalo sa pagkain, nang biglang ma ala-ala ni Haring Salermo ang kaniyang naudlot na katanungan,
"Kaibigan ano nga pala ang pangalan ng iyong asawa?",
"Siya si Minerva, ang aking Reyna Minerva",
biglang natigilan si Haring Salermo sa pagkain at parang natahimik na halatang may malalim na iniisip…,
dahil sa matagal na katahimikan hindi mapigilan ni Haring Haberno na mag-usisa,
"May problema ba kaibigan sa aking sinabi?",
at dito nagsimulang magsalita si Haring salermo,
"Sana ay mali ang nasa isip ko, sana nagkakamali ako ng hinala",
"Bakit ano ba ang nangyayari aking kaibigan?, ano ang ibig mong sabihin?", pagtatanong ni Haring Haberno,
"Alam mo ba kung saan galing ang iyong asawa?", pagtatanong naman ni Haring Salermo,
"Hindi ko na inalam pa dahil ang mahalaga mahal namin ang isa't-isa", sagot ni Haring Haberno,
"Sana nga hindi siya ang Minerva na kilala ko, Si Minerva ng Mahilandia", biglang natulala sandali si Haring Haberno,
"Minerva ba kamo ng Mahilandia?",
"Oo aking kaibigan ang taksil na salamangkera ng aming kaharian".
---------------------------
---------------------------
---------------------------
---------------------------
KABANATA: 13 "Ang Taksil na Salamangkera si Minerva"
---------------------------
"Maaari mo bang isalaysay aking kaibigan ang buong kuwento ng taksil na Salamangkerang Si Minerva?", pagtatanong ni Haring Haberno,
"Sige kaibigan ikukuwento ko sa iyo"...,
at isinalaysay na nga ng Hari ang kuwento.
---------------------------
"Noong bata pa si Minerva, pangarap na niyang maging Salamangkera, palagi mo siyang makikitang masaya, halos lahat ng nilalang ay natutuwa sa kaniya, dahil bukod na sa mabait na ay maganda pa, sa ganitong katangian na kilala si Minerva...,
---------------------------
Noong siya ay mag dalaga nagsimula na siyang mag-aral ng Salamangka sa ilalim ng mahuhusay na Salamangkera, nagsisimula pa lang siya ay kinakitaan na siya ng kakaibang talento, at husay sa pag gamit ng Salamangka, dahil sa angkin niyang galing madali niyang natutunan lahat ng kayang gawin ng kapangyarihan ng Salamangka, dahil rin sa kaniyang husay, dito na nagsimula siyang maging sakim, naging ganid siya sa kapangyarihan, pati ang mga lihim at pinagbabawal na Salamangka ay nais niyang matutunan, ginawa niya ang lahat upang malaman ito, hindi naman siya nabigo at nalaman nga niya ito,
dahil sa kaniyang angking kaalaman siya ay naging makapangyarihan, ninais niyang sakupin at angkinin ang buong kaharian, nguni't siya ay nabigo dahil lingid sa kaniyang kaalaman meron pang isang natitirang Salamangkang hindi pa niya natututunan, ito ang ginamit namin upang talunin siya, sa una ay malapit na kaming manalo at mawakasan na ang kaniyang kasakiman, subalit kami ay nabigo, siya ay nakatakas".
---------------------------
"Dahil sa pangyayaring ito, ginamit lahat ng mga Salamangkera ang kanilang kapangyarihan upang hindi makabalik at makapaghiganti si Minerva sa aming kaharian", Pagkukuwento ni Haring Salermo...,
saglit na natahimik si Haring Haberno sa narinig at siya ay nagtanong,
"Kung ang aking Reyna nga ang tinutukoy mo, bakit napakabait niya sa aking nasasakupan?, sa mamamayan ng Fairenia?",
"Ganiyan talaga si Minerva sa una mabait siya at handang tumulong para makuha ang tiwala ng kahit sinong nilalang, pero pag nakuha na niya ang tiwala nito, sa ka lalabas ang tunay na ugali nito, may kutob din akong siya ang may gawa ng nangyari sainyong pinagkukunan ng pagkain, upang umalis ka at siya ang mamuno sa kaharian, kaya madali ka aking kaibigan nasa panganib ang iyong kaharian".
---------------------------
---------------------------
-------------------------
--------------------------
KABANATA: 14 "Ang Pagbabalik ni Haring Haberno"
--------------------------
Sa kaniyang paglalakbay hindi pa rin siya makapaniwala na iisa ang Minervang tinutukoy ng kaibigan niya at ang napangasawa niya,
"Sana nagkakamali lang siya ng hinala, sana hindi siya ang Minerva sa kaharian nila", nasabi ni Haring Haberno sa kaniyang sarili.
--------------------------
Nang siya ay malapit na sa kaniyang kaharian, hindi siya makapaniwala sa kaniyang nasisilayan, isang bayang magulo, napaka dumi, sira-sira ang paligid, ang dating maganda at tahimik na kaharian ng Fairenia ay wala na, napalitan na nang isang kahariang punong puno nang pagdurusa, pasakit at lahat ay nawasak na.
--------------------------
Nang makarating si Haring Haberno, tinungo niya agad ang kaniyang kaharian at nakita niya ang mga mamamayang ina alipin at pinapahirapan ng kaniyang mga dating tauhan, halatang sila ay kontrolado na ng kapangyarihan ni Reyna Minerva, dahil lahat sila ay parang wala sa kanilang sarili..., sa hindi kalayuan naman ay nakita niya ang kaniyang Reyna, si Minerva, pinuntahan niya ito at kinausap,
"Baki't mo ginawa ito aking Reyna?, hindi ba't mahal na mahal mo ang bawat nilalang?, ang kaharian? at lalong lalo na ako?", sumagot si Reyna Minerva,
"Hahaha!, lahat ng pinakita ko sa iyo at sa kahariang ito ay hindi totoo, ginamit ko lamang ang kabaitan at ang pagmamahal mo sa akin para maangkin at masakop ko ang kaharian mo", hindi makapaniwala si Haring Haberno sa kaniyang narinig, sadya siyang natahimik at nag-isip, maya-maya lamang dahil sa matinding pagmamahal niya sa kaniyang kaharian at lahat ng kaniyang nasasakupan kahit na mahal na mahal niya si Reyna Minerva, mas nangibabaw pa rin ang tungkulin niya bilang Hari, sumiklab ang matinding galit ni Haring Haberno, binunot niya ang kaniyang espada at sinugod si Reyna Minerva, nguni't dahil sa taglay nitong kapangyarihan siya ay nakaiwas, gagamitin na sana ni Reyna Minerva ng kaniyang kapangyarihan para wakasan na ang buhay ni Haring Haberno, subalit siya ay nabigo dahil sa pagdating ng mga Salamangkera kasama si Haring Salermo.
--------------------------
--------------------------
KABANATA: 15 "Si Reyna Minerva at ang mga Salamangkera"
--------------------------
Mabuti na lamang at dumating sa tamang oras sila Haring Salermo at ang mga Salamangkera, dahil dito nailigtas ang buhay ni Haring Haberno sa kapangyarihan ni Reyna Minerva, laking pasasalamat ni Haring Haberno sa kaibigan,
"Maraming salamat kaibigan kung hindi dahil sa inyo baka namatay na ako, kasalanan ko ang lahat ng ito nabulag ako sa taglay na kagandahan ng aking Reyna, kahit na binigyan na ako ng mga babala ng mga Setro, hindi pa rin ako naniwala, pinairal ko pa rin kasi ang aking pagmamahal sa kaniya, paano kaya ako mapapatawad ng lahat ng aking nasasakupan, lalong lalo na ang mga mamamayan ng Fairenia", pagsasalaysay ni Haring Haberno,
"Alam kong mapapatawad ka nila aking kaibigan, wala ka namang kasalanan, masyado ka lang nabulag sa matindi mong pagmamahal sa kaniya", sagot naman ni Haring Salermo,
"Salamat kaibigan, maraming salamat, sana nga tama ka..., sana".
--------------------------
Sa kabilang dako naman ay naglalaban pa rin ang mga Salamangkera at si Reyna Minerva, matinding mga kapangyarihan ang kanilang pinapakawalan sa isa't-isa, dahil dito matinding pinsala ang nangyari sa paligid ng kaharian, nguni't kahit na sa gitna ng labanan hindi pa rin pinapabayaan ng mga Salamangkera ang mga mamamayan ng Fairenia.
--------------------------
Malapit na sanang matalo ang mga Salamangkera, nguni't hindi ito nangyari dahil sa tulong ng mga Setro, nang masilayan ni Haring Haberno ang mga Setro, nilapitan niya ito at ang sabi,
"Patawad mga Setro, dapat ay nakinig na ako sa inyong babala", sumagot ang mga Setro,
"Wala kang kasalanan Mahal ng Hari, ang mahalaga ngayon ay matalo natin at mailigtas sa kamay ni Reyna Minerva ang buong kaharian ng Fairenia", nagtanong ngayon si Haring Salermo,
"May naiisip na ba kayong paraan mga Dakilang Setro?",
"Hindi namin siya kayang talunin, nguni't kaya namin siyang ikulong sa pamamagitan ng lihim na kapangyarihan sa loob ng Mahiwagang Kuwintas".
--------------------------
--------------------------
--------------------------
KABANATA: 16 "Ang Mahiwagang Kuwintas"
--------------------------
Ang tanging paraan lamang upang matalo siya ay sa tulong ng Mahiwagang Kuwintas, nag salita si Haring Haberno,
"Maaari nating gamitin nga iyon nguni't mapanganib, simula pa sa mga Unang Hari ay pinag bawal na ang pag gamit ng Kuwintas na iyon, at dahil sa taglay nitong panganib ito ay tinago ng mga sinaunang Setro ng Kaharian, Alam niyo ba kung nasaan ito mga Setro?",
"Hindi namin alam Mahal na Hari, nguni't kailangan nating matagpuan iyon sa lalong madaling panahon", sadyang nag isip si Haring Haberno,
"Saan nga kaya maaaring tinago ang Mahiwagang Kuwintas?".
--------------------------
Habang nag-iisip si Haring Haberno, kasalukuyan namang nakikipaglaban ang mga Setro at mga Salamangkera kay Reyna Minerva, napakalakas talaga ng kapangyarihan ng Reyna, kahit magtulong na ang mga Setro at mga Salamangkera ay hindi pa rin nila kayang talunin ito.
--------------------------
Biglang may naisip si Haring Haberno, ang lihim na lagusan na tinuran ng kaniyang mga magulang sa kaniya, madali nilang pinuntahan ito, may nakita silang isang batong hugis kahon na umiilaw,
"Paano kaya natin bubuksan ito aking kaibigan?", pagtatanong ni Haring Salermo, nag-isip sandali si Haring Haberno at na alala na naman niya ang singsing na nagmula pa sa mga ninuno nila, hinubad ni Haring Haberno ito at inilagay sa parang hugis bilog sa batong umiilaw na hugis kahon, hindi nga sila nabigo nag bukas ito at nasa loob nga ang Mahiwagang Kuwintas na may kasamang hindi kalakihang libro, pagkakuha nito sila'y nagmadali sa pagtungo sa mga Setro upang ibigay ang mga ito.
--------------------------








--------------------------
KABANATA: 17 "Ang Pagsumpa kay Reyna Minerva"
--------------------------
Nang maibigay na ni Haring Haberno ang Mahiwagang Kuwintas at ang hindi kalakihang libro sa mga Setro, binasa nila agad ang libro at ng malaman kung paano gamitin ang kuwintas nagtulong sila ng mga Salamangkera, upang magamit ang kuwintas dapat ay mapaikutan at sandaling mapigil ang pag gagamitan nito, madaling isinagawa ng mga Setro at mga Salamangkera ang lahat ng ito, nguni't masyadong mahirap ang kailangan nilang gawin, nagkaroon pa ulit ng matinding labanan, kaya humanap ng tiyempo ang mga Setro at mga Salamangkera, nang makahanap ng tamang tiyempo ginamit na nila ang kuwintas.
--------------------------
Naramdaman ni Reyna Minerva ang matinding kapangyarihan na unti-unting humihila sa kaniya patungo sa kuwintas, dahil dito galit na galit siya sa nangyayari, at sa sobrang galit tinangka niyang patayin sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan si Haring Haberno, malapit na sanang tamaan si Haring Haberno subali't sinangga ito ni Haring Salermo dahil sa pagmamahal sa kaniyang kaibigan, madali namang kumilos ang mga Salamangkera at mga Setro na pigilan ang kamatayan nito, nguni't dahil sa lakas ng kapangyarihan ni Reyna Minerva, hindi nila lubusang napigilan ang kapangyarihan nito, subali't hindi na namatay si Haring Salermo, siya ay tumanda lamang, at habang nangyayari ito, si Reyna Minerva ay tuluyang nakulong sa kuwintas, at pagka kulong dito, ito ay naglahong bigla, at lahat sila ay nagtaka.
--------------------------
Sa pagbabasa sa libro nalaman ng mga Setro ang kasagutan,
"Pagka kulong nang sino mang nilalang sa kuwintas, ito ay maglalaho at maghahanap ng isang tao na gagawaran ng tatlong kahilingan at ito'y makakalayang muli, nasasaad ang lahat ng ito sa libro", pagsasalaysay ng mga Setro,
"Kaya kailangang mapigilan ito, sa pagbibigay ng babala",
"Ako na ang gagawa nito mga Dakilang Setro, ako na ang magbabantay sa kuwintas sa mundo ng mga tao", tinuran ni Haring Salermo na ngayon ay tumanda dahil sa kapangyarihan ni Reyna Minerva...,
hindi nila alam na lihim itong napakikinggan ni Reyna Minerva, kaya siya ay nagpunta sa mundo ng mga tao.
--------------------------
-------------------------
-------------------------
KABANATA: 18 "Ang Saluobin ni Pedro"
-------------------------
Ito ang buong kuwento Pedro, at nagsalita si Pedro,
"Kung ganoon kayo po pala si Haring Salermo",
"Tama Pedro, ako nga, kaya ako nagbigay nang babala dahil binabantayan ko ang kuwintas, dahil sa takot na makapaminsala sa mundo niyo at makalaya si Minerva, subali't hindi kayang pigilan ang nakatadhana ng mangyari", biglang natahimik si Pedro at nagsalita,
"Hindi lang pala ang aking mga magulang ang mapapahamak dahil sa aking kasakiman, kung hindi pati na ang buong mundo at ang kaharian ng Fairenia, kasalanan ko ang lahat ng ito, kung nakinig lamang ako sainyo, wala sana ang problemang ito, hindi na sana makakalaya si Minerva",
"Wag mong sisihin ang sarili mo, lahat ng ito ay nakatadhana na at ito rin ay naplano na ni Minerva, may kutob akong alam niya ang lahat ng ito", pagsasalaysay ni Haring Salermo,
"Maraming Salamat po", tugon ni Pedro.
-------------------------
"Kung ganoon po, ano po ang maaari nating gawin?",
"Hindi ko pa rin alam sa ngayon, pero kung tatanungin natin ang mga Setro baka malaman natin ang kasagutan sa iyong mga katanungan, may kutob rin akong nasa Fairenia ang mga magulang at kapatid mo",
"Sige sasama ako kailangang mailigtas ko ang mundo at ang kaharian ng Fairenia", tugon ni Pedro.
-------------------------
-------------------------
KABANATA: 19 "Ang Pagpunta ni Pedro sa Fairenia"
-------------------------
Hindi makapaniwala si Pedro sa nakita niya, halos lahat kasi ng paligid ng Fairenia ay kakikitaan ng kalungkutan, paghihirap, masyadong masalimuot ang mga kaganapan sa kapaligiran, maraming nagkalat na mga walang buhay na nilalang, kaya naibulong niya sa sarili,
"Gagawin ko ang lahat upang wakasan na ang pamamayani ni Minerva".
-------------------------
Dumiretso sila agad sa mga Setro,
"Mga Dakilang Setro pinapakilala ko sa inyo si Pedro ang taong nakakuha sa kuwintas", at tumango lamang ang mga Setro,
"Pedro sila ang pinakamatalino at ginagalang sa kaharian ng Fairenia, sila rin ang mga dakilang tagapagbantay nito",
"Magandang araw po mga Dakilang Setro", bati ni Pedro,
"Kung ganoon ikaw ang nasa propesiya", nagulat si Pedro pati na rin ang Mahal na Haring Salermo sa kanilang narinig,
"Ano ang ibig niyong sabihin?", pagtatanong ng Mahal na Hari,
"Habang kayo ay naglalakbay patungo sa mundo ng mga tao, nalaman namin sa tulong ng librong ito, na nasa propesiya na sino mang makakuha ng kuwintas kahit ano pa ang layunin niya dito, siya lamang ang tanging makapagliligtas sa maaaring hatid na problema ng kuwintas",
"Paano kung isang masamang tao ang nakakuha nito at walang paki alam sa maaaring mangyari?", patuloy na pagtatanong ni Haring Salermo,
"Tama ka Mahal na Hari maaaring mangyari iyon kung sa maling tao napunta ang kuwintas, pasalamat na lang tayo at hindi pinabayaang nang Dakilang may likha na mangyari ang bagay na iyon", at biglang nagsalita si Pedro,
"Mawalang galang na po, maaari po ba kong magtanong?",
"Sige Pedro magsalita ka", tugon ng mga Setro,
"Ano po ang aking dapat gawin mga Dakilang Setro upang mailigtas ko ang aking pamilya?, ang aming mundo at ang kahariang ito?", isang talinghaga lamang ang nakasaad sa libro, ganito ang nakasulat,
"Kasing tibay man ng brilyante, sa pusong dalisay ay walang imposible",
"Ano po ang ibig sabihin noon mga Dakilang Setro?", tanong ni Pedro,
"Iyan din ang aming matagal nang pinag-iisipan simula ng mabasa namin ang talinghagang iyan", at si Pedro ay nag-isip ng mabuti at taimtim ding nanalangin.
-------------------------

---------------------------
---------------------------
KABANATA: 20 "Ang Panalangin ng Pusong Dalisay"
---------------------------
Dahil sa narinig, hindi mapakali si Pedro, kahit sa kaniyang pagpapahinga ay lumilipad ang isip niya,
"Ano kaya ang ibig sabihin noon?, ano ang dapat kong gawin upang mailigtas ang aking pamilya at ang Fairenia?", sabi ni Pedro sa kaniyang sarili, dahil hindi malaman ang gagawin niya nagpasiya siyang manalangin kagaya ng bilin ng kaniyang mga magulang noong bata pa siya na kapag may problema, manalangin at ito'y masosolusyonan, ganoon nga ang kaniyang ginawa.
---------------------------
"Diyos ko tulungan naman po ninyo ako, ano po ang dapat kong gawin?, naguguluhan na po ako, di ko lubos maisip kung paano ko maililigtas ang aking pamilya at ang kahariang ito, nagsusumamo po ako sainyo, nawa'y mapatawad niyo po ako sa lahat ng aking pagkukulang sainyo, pati na rin sa aking mga magulang at mga kapatid, maawa po kayo, tulungan niyo po ako, at gabayan upang magampanan ko ang misyong ito, at malampasan ang ano mang pagsubok na maaaring humadlang"..., habang nananalangin, siya'y napaluha at matapos manalangin, napahagulgol na lamang siya dahil sa matinding pag-alala sa kaniyang mga kapatid at mga magulang...,
kinabukasan oras na nang misyon ni Pedro, handa na kaya siya?.
---------------------------
---------------------------
KABANATA: 21 "Ang Pagliligtas"
---------------------------
Maagang gumising si Pedro nang araw na ito, handa na siya sa kaniyang misyon, nagpunta agad siya sa mga Setro,
"Handa na po ako na iligtas sila",
"Mabuti kung ganoon, wag kang mag-alala sasamahan ka namin at ng mga Salamangkera upang matapos na ang kaguluhang ito, bago tayo lumakad babasbasan ka muna namin upang walang mangyari saiyong masama at gabayan ka nang Dakilang may likha, nawa'y magampanan mo ang iyong misyon at makauwi ng payapa",
"Maraming salamat po", tugon naman ni Pedro.
---------------------------
At sila'y tumungo na sa kaharian ng Fairenia,
"Una nating dapat gawin alamin kung nasaan ang kuwintas may kutob kasi kaming kinuha pa rin niya ito pagkalaya niya, at dapat din nating malaman kung nasaan ang mga bihag, ang Mahal na Hari, kasama na ang iyong pamilya, inuunahan na kita hindi magiging madali ang misyon nating ito, siguradong matinding labanan ang mangyayari", pagsasalaysay ng mga Setro,
"Alam ko po iyon handa na po ako sa bagay na iyon", tugon ni Pedro.
---------------------------
Hindi pa man sila masyadong nakakalapit ay marami na silang nakalaban, nariyan ang mga kawal na may mga armas na tila walang buhay dahil walang emosyon, meron din mga lumilipad na tila malalaking ibon na nagtataglay ng napakalakas ng hangin, matinding labanan ang nangyari halos ikamatay na ng mga Salamangkera at ng mga Setro, sa tindi ng nakalaban sa una pa laman..., nguni't dahil sa kanilang pagtutulungan, nagawa nilang mapasok ang kaharian, natalo nila ang mga bantay, pati na ang mga malalaking parang ibon na lumilipad sa papawirin, subali't nagapi man nila ang mga ito, may mga ilan-ilan ding nagbuwis ng buhay na mga Salamangkera at mga Setro, pero kahit iilan na lang sila hindi pa rin sila nawalan ng pag-asa, tumuloy pa rin sila...,
habang papasok na sa kaharian, nakaharap nila si Reyna Minerva.
---------------------------
-------------



-------------

KABANATA: 22 "Ang Paghaharap ni Pedro at Reyna Minerva"
-------------
Sa kanilang muling pagkikita hindi napigilan ni Pedro ang kaniyang sarili, galit na galit na sinigawan niya si Reyna Minerva,
"Nasaan ang aking mga magulang!? at pinakamamahal kong mga kapatid!?, saan mo sila dinala!!!?", sumagot si Reyna Minerva,
"At sino ka para tanungin ako, ikaw na hamak na tao lamang na pinagbigyan ko ng tatlong kahilingan, ang lakas naman ng loob mong kausapin ako ng ganiyan",
"Ako nga si Pedro ang taong naloko mo noon, dahil sa aking kasakiman, pero ngayon ako na ang tatapos sa kahibangan mong ito...," habang nag-uusap sila Pedro at Reyna Minerva, isa sa mga Salamangkera ang lihim na umalis at inalam kung na kay Reyna Minerva nga ang kuwintas, at kung nasaan ito, gamit ang kaniyang natitirang kapangyarihan binuhos niya ang lahat ng ito upang malaman kung nasa kaniya nga ito, at kung paano kukunin ito, noong una nahirapan siya dahil masyadong malakas ang kapangyarihan ni Reyna Minerva para maitago ito at hindi madaling makuha, nguni't dahil sa kaniyang magandang hangarin at malinis na intensiyon, gamit ang lihim na kapangyarihang taglay nakuha nga niya ito, at naibigay sa mga Setro, ngun't pagkabigay ng kuwintas siya'y binawian ng buhay dahil sa labis na pag gamit sa kaniyang kapangyarihan.
-------------
Sa pagtatalo ni Pedro at Reyna Minerva, nagsalita ang Reyna ng ganito,
"Kung nasaan man sila, wala ka nang paki alam doon dahil malapit ka nang mamatay, kayong lahat ng mga kasama mo, ang Mahal na Hari at lalong lalo na ang pamilya mo", habang hindi namamalayan lihim na lumapit kay Pedro ang isa sa mga Setro...,
ang pinagbigyan ng Salamangkera ng Mahiwagang Kuwintas, biglang napansin ito ng Reyna kaya pinatay niya ang Setrong ito, nagulat naman si Pedro sa nakita kaya nagsalita siya ng ganito,
"Sobra na ang kalupitan at kasamaan mo, hindi na ako makakapayag na makatakas ka at mamayani muli ang iyög kasamaan", sumagot si Reyna Minerva,
"Ano naman ang magagawa mo sa akin? eh hindi hamak ng isa ka lamang tao?" at siya ay tumawa ng tumawa,
"Sa akin nagsimula ang kaguluhang ito at sa akin rin magtatapos ang lahat", habang binibigkas ni Pedro ito, itinaas niya ang kaniyang kanang kamay habang hawak-hawak ang Mahiwagang Kuwintas,
"Wala nang magagawa sa akin ang kuwintas na iyan, nabasag na ang pulang brilyanteng kumokontrol diyan", salita ni Reyna Minerva,
"Diyan ka nagkakamali ito na ang katapusan mo".
-------------
-------------
KABANATA: 23 "Ang Katapusan ni Reyna Minerva"
-------------
"Mga natitirang Salamangkera at mga Setro, gawin na natin ngayon ang ating plano", pagsasalita ni Pedro,
"Hindi uubra iyan wala kayong magagawa sa aking kapangyarihan", tugon ni Reyna Minerva, pagkatapos mag salita, naglabas na nang napakalakas na kapangyarihan si Reyna Minerva para pigilan ang plano nila, isa-isa niyang pinapatamaan ng kaniyang kapangyarihan ang mga Salamangkera at mga Setro, may mga tinatamaan meron ding hindi, matinding labanan ang nangyayari sa mga sandaling ito, nang malapit ng maubos lahat ng mga Setro at mga Salamangkera, nagsalita si Reyna Minerva,
"Alam kong hindi maaaring magawa ang ritual kapag kulang na kayo", kaya biglang pinatay ni Reyna Minerva gamit ang kaniyang kapangyarihan ang ilang naka paikot na mga Setro at mga Salamangkera...,
wala silang nagawa pinipilit man nilang tapatan ng kanilang lihim na kapangyarihan, ang taglay na kapangyarihan ng Reyna ay wala pa ring nangyari at sila nga ay napatay ni Reyna Minerva.
-------------
Alam ni Pedro na totoo ang sinabi ng Reyna, kaya siya ay natahimik at biglang napaluhod,
"Ano na ang aking dapat gawin?",
at siya ay napaiyak dahil sa labis na kagustuhang mawakasan na ang pamamayani ng Reyna, naisipan niyang manalangin,
"Diyos ko tulungan niyo po ako na matapos na ang kasamaang ito, tulungan niyo po ako"...,
habang nananalangin si Pedro, nagsalita si Reyna Minerva,
"Mukhang wala ka nang natitirang pag-asa, Hahaha!, sige umiyak ka lang ng umiyak dahil malapit na kayong mamatay"...,
habang si Pedro ay umiiyak hindi niya namamalayan na natutuluan ng luha niya ang kuwintas, sa isang iglap bigla na lang umilaw ang kuwintas na sobrang liwanag at lumutang ito, sobrang liwanag nito at talagang nakakasilaw, nagulat ang Reyna sa kaniyang nakita...,
unti-unting lumapit ito kay Reyna Minerva, naramdaman ng Reyna ng hinihigop ulit siya papasok sa kuwintas, nguni't kahit ganito na ang sitwasyon at nasa loob na siya ng kapangyarihan ng Mahiwagang Kuwintas, tumatawa pa rin ito,
"Hahaha!, walang kuwenta ang paraang ito, makakatakas ulit ako, maghahanap lang ako muli ng tao na maloloko upang makalaya muli", alam ni Pedro na maaaring mangyari ito, kaya nikapitan niya ang Mahiwagang Kuwintas, pinulot niya ang isang espadang malapit sa Reyna at nang makalapit na, nagsalita siya,
"Hindi na mangyari iyan dahil ito na ang katapusan mo, alam ko na ang sagot sa propesiya, ang tinutukoy na puso doon ay ang puso ko, at ang brilyante naman ay ang Mahiwagang Kuwintas na ito"...,
nagulat ang mga natitirang Setro sa kanilang nakita at sila ay namangha sa sumunod na nangyari...,
biglang hinampas ni Pedro ang kuwintas pagkasabi niyon at ang Mahiwagang Kuwintas ay nabasag...,
lalong lumiwanag ito pagkabasag, at habang nakalutang, ito ay unti-unting nadudurog at naglalaho, dahil dito napasigaw sa labis na kaligayahan si Pedro,
"Wala na si Reyna Minerva, napatay ko na siya, natapos na ang kaguluhang hinatid niya sa ating lahat, malaya na tayo".
------------
-------------------------
-------------------------
KABANATA: 24 "Ang kalayaan"
-------------------------
Nang mapatay si Reyna Minerva, lahat ng napasailalim sa kaniyang kapangyarihan ay nanumbalik sa dating katinuan, unti-unting nagkamalay ang mga kawal ng kaharian na parang mga nakatulog lang, at ang dating magulong kapaligiran ay unti-unting naging maaliwalas, nanumbalik muli ang dating kagandahan ng Fairenia..., samantala sa mundo ng mga tao, lahat ng naging sanhi ng kapangyarihan ni Reyna Minerva dahil sa kahilingan ni Pedro ay bumalik sa dati, ang kayamanang hiniling ay naglaho lahat, ang mga bata at matatanda naman na dati ay nawala, ay nag si balik na sa kanilang mga pamilya.
-------------------------
Subali't kahit na unti-unti nang nanunumbalik ang lahat sa normal, hindi na mabubuhay pa ang mga nagbuwis ng buhay sa labanang ito, alam ni Pedro ang mga ito, kaya siya ay bahagyang napaluha, nilapitan siya ni Haring Salermo na bumalik na sa dating itsura niya pagka kita sa kaniya,
"Huwag mo nang intindihin ang bagay na iyan Pedro, ang mahalaga ay malaya na tayo sa kapangyarihan ni Minerva, dapat nga tayo ay mag-saya na, dahil wala ng labanan pa, malaya na tayo at makakabangon din tayo Pedro",
"Maraming salamat po Mahal na Hari",
nasa ganito silang sitwasyon ng biglang dumating si Haring Haberno at ang pamilya ni Pedro na nagmula sa loob ng kaharian, niyakap agad ni Pedro ang kaniyang mga kapatid,
"Kamusta na kayo?, wala bang masamang nangyari sa inyo?", pagtatanong ni Pedro,
"Wala naman kuya, ayos naman kami", tugon nila Juliana at Tonyo, pagkatapos yakapin ni Pedro ang mga kapatid nilapitan niya ang kaniyang mga magulang na sina Mang Jose at Aling Maria, at siya'y lumuhod sa harapan nila at nagsalita ng ganito,
"Patawarin ninyo po ako inay at itay, kasalanan ko po ang lahat ng ito, kung hindi dahil sa kasakiman ko hindi mangyayari ang lahat ng ito, patawarin niyo rin ako sa lahat naging pagkukulang ko sa inyo, sana'y mapatawad niyo po ako",
"Kalimutan mo na ang lahat ng iyon anak, ang mahalaga ay wala sa ating nangyaring masama, maaari naman tayong muling magsimula", tugon ng kaniyang mga magulang,
"Maraming salamat po at napatawad ninyo ako", tugon naman ni Pedro.
-------------------------
"Tama na nga ang dramang iyan dapat tayong magsaya dahil tapos na ang ating pagdurusa, bago nga pala ang lahat nais ko sanang ipakilala ang aking kaibigan na si Haring Haberno ang pinuno ng Fairenia, sa ating tagapagligtas na mula sa mundo ng mga tao si Pedro", pagpapakilala ni Haring Salermo kay Pedro,
"Ikaw pala si Pedro, salamat sa iyong ginawa, dahil diyan magkakaroon tayo ng isang engrandeng kasiyahan, simulan na ang kasiyahan", pag-uutos ni Haring Haberno sa lahat ng kaniyang nasasakupan...,
at sinimulan na nga ang kasiyahan, lahat sila ay naging masaya dahil tapos na ang paghihirap nila at sila ay malaya na sa wakas.
-------------------------
--------------------------
--------------------------
KABANATA: 25 "Ang Katapusan"
--------------------------
Sa gitna nang kasiyahan biglang nakakitaan ng kalungkutan si Pedro at napansin ito ni Haring Haberno,
"Bakit ka naman malungkot?, anong iniisip mo?",
"Kayo po pala Mahal na Hari, nais ko na po kasing bumalik agad sa aming mundo at magsimulang muli, marami po kasi akong naging pagkukulang sa aking mga magulang at mga kapatid", tugon ni Pedro,
"Huwag kang mag-alala bukas na bukas din ay ipapahatid ko na kayo at kayo'y makakauwi na, nguni't ngayon tayo na munang mag saya",
"Salamat po Mahal na Hari"..., pagkatapos ng kasiyahan nagpaalam na si Haring Salermo at ang mga Salamangkera na babalik na sa kanilang kaharian, nguni't bago sila umalis sila'y nagpasalamat muna at nagpaalam kay Pedro at sa pamilya niya,
"Maraming salamat Pedro sa lahat, utang namin sa iyo ang aming buhay at ang aming kaharian, wag mo ng pababayaan muli ang mga magulang at kapatid mo, ingatan mo na sila",
"Maraming salamat din po sa inyo, makakaasa po kayo, malaki na po ang pinagbago ko", tugon ni Pedro...,
at umalis na nga pabalik ng kaharian ng Mahilandia si Haring Salermo kasama ang mga natirang Salamangkera sa labanan nila sa Reyna.
--------------------------
Kinabukasan, bago sila umalis kinausap muna sila ni Haring Haberno,
"Maraming salamat sa lahat Pedro utang ko saiyo ang aming buhay, ang buong kaharian ng Fairenia ay taos pusong nagpapasalamat saiyo",
"Wala pong ano man iyon Mahal na Hari", tugon ni Pedro,
"Wag ka na ring mag-alala pa sa naging epekto nito sa mundo niyo, nangako ang mga natirang Setro na aalisin nila ang lahat ng ala-ala ng mga tao na may kinalaman sa kapangyarihan ni Reyna Minerva, upang makapagsimula muli kayo at walang maging problema, bilang pasasalamat ko nga pala sa lahat ng tinulong mo ay bibigyan ko kayo ng mga regalo na dadalin niyo sainyong pag-uwi, nawa'y makatulong ito sainyo",
"Maraming salamat po Mahal na Hari malaking tulong po ito", pasasalamat nina Mang Jose at Aling Maria,
"Yeheey, mayaman na tayo", sabi ni Juliana,
"Sige po mauna na po kami", pamamaalam ni Pedro, mag-iingat kayo...,
sila ay binasbasan ng mga natirang Setro upang maging ligtas sa kanilang pag-uwi sa kanilang mundo.
--------------------------
Pagdating nila sa kanilang mundo parang walang nangyari dahil walang natatandaan ang mga tao sa mga nangyari, tulad nga ng pinangako ng mga Setro sa kanila...,
hindi matatawaran ang labis nilang kasiyahan dahil sila ay nakabalik ng ligtas at samasamang muli, gamit ang mga regalo ng Mahal na Hari, nakabili sila ng magandang bahay, magagarang sasakyan, at bukod pa dito, makasisiguro na rin na makakapagpatuloy sila ng kanilang pag-aaral hanggang matapos ng kolehiyo ng walang problema, ito rin ay bagong simula para kay Pedro, panahon para bumawi sa kaniyang naging pagkukulang sa kaniyang mga kapatid at lalong lalo na sa kaniyang mga magulang.
--------------------------
Ngayon ay nasa kolehiyo na si Pedro, nagpatuloy na siya sa kaniyang pag-aaral, sina Juliana at Tonyo naman ay parehong nasa kolehiyo na rin, ang kanilang mga magulang naman ay nasa bahay na lang at ina asikaso ang kanilang negosyo at ang kanilang mga anak...,
at sila ay nag-simulang muli, panibagong simula para sa mas masasayang ala-ala na ipupunla nila sa kanilang isipan, lalong lalo na kay Pedro na minsan ding sinubok, nguni't napatunayan na kayang magbago at makapag simulang muli kapiling ang kaniyang pinakamamahal ng PAMILYA... "WAKAS" ",)
--------------------------
--------------------------
Share This :

Related Post

0 comments:

Post a Comment

 
Support : Arnold Merch | Facebook Page | Strings and Harmony
Copyright © 2012. Your Stations - All Rights Reserved
Template Modify by Creating Website
Proudly powered by Blogger